^

Bansa

Tax exemption inaprub sa Kamara

-

Inaprubahan sa House Commttee on Ways and Means ang pagbibigay ng mas mataas na personal tax exemption sa mga manggagawa na hindi la­ lagpas ang sahod ng P150,000 kada taon. 

“Ang mga manggagawa na under par ang mga sa­hod ay hindi na magbaba­yad ng buwis kapag naisa­batas ang nasabing batas,” anang mga kongresista.

Ang minimum wage kada taon ng mga mangga­gawa ay umaabot lamang ng P64,000 hanggang P96,000 kumporme sa lugar ng pinagtatrabahuhan kada taon kaya ngayon itinaas ng ilang kongresista ang personal tax exemption ng P150,000 at makalibre na sila sa pagbabayad ng income tax sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

Kailangan hindi lalag­pas ng P150,000 ang sa­hod ng isang manggagawa sa loob ng isang taon para hindi na sila pagbayarin pa ng buwis. Ipapatupad ang nasabing exemption nga­yong 2008.

Napag-alaman na ma­lulugi dito ang gobyerno ng mahigit sa P8 billion kapag naaprobahan ito pero ang paniwala ng ilang kongre­sista ay makakatulong ito ng malaki sa mga mangga­gawa lalo’t nagtaasan na rin ang presyo ng mga bilihin at langis. 

Kasabay nito, siniguro rin kahapon ng Malacañang na magiging batas ang Cheaper Medicine bill at maihabol ang pagkakaloob ng tax exemption bago ang Labor Day. 

Iginiit ni Pangulong Arroyo sa kanyang opening statement bago magsimula ang LEDAC meeting na kailangan ang pagkakaisa at kooperasyon ng bawat isa upang maresolba ang kasalukuyang suliranin ng bansa. (Butch Quejada/Rudy Andal)

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

BUTCH QUEJADA

CHEAPER MEDICINE

HOUSE COMMTTEE

LABOR DAY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with