Pinasalamatan kahapon ng Confederation of Government Employees Organizations (COGEO) si Pangulong Arroyo sa kanyang pagtataas ng sahod ng mga empleyado ng gobyerno mula sa isang buwan.
Sa pahayag nina COGEO Chairman at legal counsel Jesus I. Santos at presidente na si Florinio Ibanez, dapat magsilbing panggising sa sambayanan ang naging hakbang ni Pangulong Arroyo para mapatunayan kung sino ang tunay na makatao.
Tiniyak din nina COGEO Secretary-General Atty. Manuel Parlada at Executive Vice-President Bayani Aquino na solidong susuporta ang organisasyon kay Pangulong Arroyo at lahat ng kanyang mga hakbangin para sa Sambayanan.
Sinabi ni Santos na maliban sa Pangulo, walang anumang nababalitaan o nakikita ang grupo sa sinumang kritiko ng pamahalaan na makapagbibigay ng karagdagang kita sa mga empleyado ng gobyerno.
Sinabi ni Santos na dapat nang magkaroon ng kahihiyan ang mga tumutuligsa kay Pangulong Arroyo ng walang basehan na tigilan na ang pamumulitika at publisidad at magtrabaho na para sa taumbayan at hindi para sa kanilang mga ambisyong pulitika sa 2010.