^

Bansa

Gastos ng PNP babantayan

-

Upang mabantayan ang ginagawang pag­gastos ng Philippine National Police (PNP) sa pondo nito, bumuo ng isang Oversight Committee ang National Police Commission (Napolcom) na magmo-monitor sa proseso ng pagbili ng mga kinakailangang ga­mit ng kapulisan, ayon na rin sa nakasaad sa ilalim ng Government Procurement Reform Act.

Sa isang en banc re­so­lution na inaprubahan ni Napolcom Chairperson at DILG Chief Ronaldo Puno, itinalaga bilang mga miyembro ng komite sina Commissioner Mi­guel Coronel, DILG Assistant Secretary Oscar Valenzuela at Napolcom Installations and Logistics Service Director Conrado Sumanga, Jr.

Babantayan ng ko­mite ang lahat ng pagbili ng PNP at ibang gastos at rerebisahin ang mga dokumento sa pagbi­bigay ng PNP Purchase Contract na aabot sa ha­lagang P500 milyon pa­baba bago ibigay ang “Notice to Proceed” sa nanalong bidder.

Isusumite naman ng komite ang lahat ng kani­lang rekomendasyon sa Napolcom. Ang reko­men­dasyon ng komite ang ma­giging basehan ng pag-iisyu ng “PNP purchase contract” ni Sec. Puno para ituloy ang tran­saksyon.

Inatasan rin ng Napol­com ang PNP na isyuhan ng kopya ng lahat ng dokumento sa pagbili ang komite upang epektibo nitong maisagawa ang kanilang tungkulin.

Layunin ng pagbuo ng komite na masiguro na walang mangyayaring pangungurakot at maiwa­san ang mga kontro­bersya tulad ng mga na­karaang isyu sa pondo sa posas at pagpapa­ganda sa PNP Headquarters. (Danilo Garcia/Rose Tamayo-Tesoro)

ASSISTANT SECRETARY OSCAR VALENZUELA

CHIEF RONALDO PUNO

COMMISSIONER MI

DANILO GARCIA

GOVERNMENT PROCUREMENT REFORM ACT

NAPOLCOM

NAPOLCOM CHAIRPERSON

NAPOLCOM INSTALLATIONS AND LOGISTICS SERVICE DIRECTOR CONRADO SUMANGA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with