Gringo idiniin ni Faeldon

Matapos ang mahigit apat na buwang pagta­tago, lumutang ang pu­ganteng si Marine Capt. Nicanor Faeldon at taha­sang itinuro si Senador Gregorio Honasan na siya umanong nagplano at nagpondo sa Oakwood mutiny na inilunsad ng Magdalo Group noong Hulyo 27, 2003 para pa­bagsakin ang gobyerno.

Sa exclusive interview ni Ces Drilon ng ABS-CBN, sinabi ng nagpaki­lalang si Faeldon na si Honasan ang “Kuya” ng Oakwood mutineers. 

Iginiit nito na sa ta­mang panahon at pagka­kataon ay ilulutang niya ang mga dokumentong nag-uugnay kay Honasan sa pag-aalsa sa Oak­wood.

Sa ngayon ay hindi umano niya pinag-iisipan ang sumuko sa mga aw­toridad na humahanting sa kanya.

Si Faeldon, may pa­tong sa ulong P1 milyon ay nakatakas sa kasag­sagan ng Manila Peninsula siege noong Nob­yem­bre 29, 2007. 

Siya, kasama si Hona­san at 28 pang opisyal ng Magdalo ay nilitis sa kasong kudeta sa Makati City Regional Trial Court. Pinawalang sala si Ho­nasan ng korte dahilan umano sa kawalan ng ebidensya na magdidiin sa kaso.

Sinasabing bahagi ng compromise deal ng Se­nador sa pamahalaan ang pag-absuwelto rito sa kaso.

Base sa report ng military intelligence, si Hona­san umano ang sinasa­bing “Kuya” ng Magdalo Group na pinamunuan ng noo’y si dating Navy Lt. Senior Grade at ngayo’y Sen. Antonio Trillanes IV.

Ang nasabing mga dokumento ng alyas “Kuya” ay nasamsam sa raid sa Oakwood Hotel.

Pinapurihan naman ni Faeldon si Trillanes dahi­lan sa patuloy nitong pagmamatigas na yumu­kod sa administrasyon ni Pangulong Arroyo.

Show comments