^

Bansa

KMP nagbanta sa pullout ng NFA rice

-

Nagbanta ang pamu­nuan ng Kilusang Mag­bubukid ng Pilipinas (KMP) na lalu lamang magbibigay ng matin­ding problema sa mahihirap na mamamayan ng bansa ang plano ng National Food Authority (NFA) na alisin sa mga palengke at pamilihan ang NFA rice na naibebenta sa halagang P18.25 kada kilo. 

“The Filipino people will definitely be enraged by this move because majority of the populace now rely on NFA subsidize rice to feed their families. Every Filipino has a right to access cheap food and no discrimination should accompany it,” pahayag ni KMP chairman Rafael Mariano. 

Kinuwestyon ni Ma­riano kung bakit aalisin pa ng NFA ang murang bigas sa mga palengke at ibang pamilihan kung totoong madaming suplay ng bigas sa bansa. Anya, mas nakararaming bilang ng mga Pinoy ang umaasa lamang sa murang bigas para maipakain sa kani-kanilang pamilya kayat hindi maaaring maalis ang NFA rice sa mga pa­lengke.

Ang pag-pull out anya ng murang NFA rice sa mga palengke ay nanga­ngahulugan na bigo ang pamahalaan na matiyak ang seguridad sa pagkain sa bansa.

Una rito, isinisi ng KMP sa pamahalaan ang pag-convert sa agricultural lands sa mga subdivision at commercial area kaya kumonti ang taniman ng palay at kumokonti rin ang bilang ng mga magsasaka na nagpo-produce ng bigas. 

Ipinagtanggol naman ng Malacañang ang de­sisyon ng gobyerno na alisin sa mga palengke ang NFA rice at direktang ibenta na lamang ito sa mga depressed areas upang ang mahihirap ang tunay na makinabang sa murang bigas. 

Sinbi ni Deputy Presidential Spokesperson Lo­relei Fajardo, ang hakbang na ito ng gobyerno ay upang mapanatili ang presyong P18.25 per kilo ng NFA rice at upang di­rektang ang mahihirap nating kababayan ang makabili nito.

Ani Fajardo, ang mai­iwan na lamang sa mga palengke ay ang NFA rice na nagkakahalaga ng P25 per kilo na para naman sa mga pamilyang nasa middle class. (Angie dela Cruz/Rudy Andal)

ANI FAJARDO

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKESPERSON LO

EVERY FILIPINO

NFA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with