P80 dagdag sahod hirit ng TUCP
Humirit ng P80 taas sa sahod ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) para sa mga manggagawa sa Metro
“In our study, what we need is a P80 increase [which will cover] expenditures like education, transportation and for small savings,” pahayag ni dating senador at secretary-general ng TUCP na si Ernesto Herrera.
Naniniwala ang TUCP na kung ipipilit ang P125 salary hike ay maraming kumpanya ang magsasara o di kaya ay magbabawas ng empleyado.
Nabatid na P62 ang huling inaprubahang wage hike noong Agosto 2007, subalit natabunan na ito ng taas sa presyo ng bigas at pangunahing bilihin dahilan kaya naghain ng P80 dagdag sahod para pambawi umano sa mga nawalang kakayanan ng manggagawa na makapamuhay ng sapat.
Sakaling maaprubahan, ang minimun wage ng mga obrero ay tataas mula sa P362 sa P442. (Doris Franche)
- Latest
- Trending