Miriam, nabagok ang ulo sa b-day party ng asawa
Aksidenteng nabagok ang ulo ni Sen. Miriam Defensor-Santiago ng mawalan ng panimbang habang bumaba sa stage ng EDSA Shangri-la Hotel matapos magbigay ng maikling talumpati sa kaarawan ng kanyang asawang si dating Undersecretary Narciso Santiago kamakalawa.
Nabatid kay Tom Tolibas, media relations officer ni Santiago, na-out of balance si Santiago kaya natumba at tumama ang ulo sa pader kaya pumutok.
Agad namang isinugod si Santiago sa
Ayon pa kay Tolibas nagkaroon lamang ng minor contusion ang mambabatas at agad na rin naman umanong nakauwi at nasa mabuti ng kalagayan.
“She’s ok now. Her CT Scan showed no additional injuries. She’s home now and recovering,” ani Tolibas. (Malou Escudero)
- Latest
- Trending