^

Bansa

E-power ibinasura ni GMA!

- Nina Rudy Andal at Malou Escudero -

Ibinasura ng Malaca­ñang ang panukala ng ilang kongresista na pag­kalooban ng emergency power si Pangulong Glo­ria Macapagal-Arroyo upang resolbahin ang problema ng bansa hing­gil sa supply ng bigas. 

Sinabi ni Presidential Spokesman at Press Secretary Ignacio Bunye, sa­pat na ang kapangyarihan ni Pangulong Arroyo upang lutasin ang sulira­nin sa bigas kaya hindi na kailangan ang emergency power. 

Ayon kay Bunye, mag­dudulot lamang ng pagka­bahala sa publiko kung magkakaroon ng emergency power ang Pangulo bagkus ay mas kailangan ang pagtutulungan ng gob­yerno at publiko upang mabilis na maresolba ang suliranin sa supply ng bi­gas na hindi lamang na­man sa Pilipinas narara­nasan kundi sa iba pang panig ng mundo.

Samantala sinabi na­man ni Sen. Mar Roxas, dapat ay tanggapin ng Pangulo na may proble­ma tayo sa bigas sa halip na itinatanggi ito dahil nag-iiwan lamang ng pag­kalito sa taumbayan.

Iginiit din nito na dapat ihinto na ang lahat ng uri ng land conversion para hindi na mabawasan ang lupang sinasaka at imbes­tigahan din kung sino ang mga nag-convert nito lalo na ang mga irrigated lands na kinonvert bilang mga pabahay.

Idinagdag pa ni Roxas na dapat din na pag-ibayu­hin ang paglagay ng irigas­yon sa mga lupang sina­saka, tulungan ang mga magsasaka mula sa pagbili ng mga abono, per­tisidyo at iba pang mga panga­ngailanan para magkaroon ng masaga­nang ani.

Naniniwala ang mam­babatas na hindi na uubra ang pag-angkat ng bigas dahil ang dating may presyong $350/metric tons ng bigas ay umaabot na sa $900/metric tons kaya yung dating pana­naw na ito ang solusyon sa short term ay hindi na rin angkop sa kasaluku­yang problema.

MAR ROXAS

PANGULO

PANGULONG ARROYO

PANGULONG GLO

PRESIDENTIAL SPOKESMAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with