^

Bansa

Pardon sa 9 Magdalo pinaplantsa na

- Joy Cantos, Rudy Andal -

Irerekomenda nina Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., AFP Chief of Staff Gen. Hermo­genes Esperon Jr. at DILG Sec. Ronaldo Puno kay Pa­ ngulong Arroyo na ma­bigyan ng presidential pardon ang siyam na junior officers ng Magdalo Group na hinatulang makulong ng habambuhay dahil sa ka­song kudeta.

Ayon sa mga opisyal, inamin at pinagsisisihan ng mga sundalong Magdalo ang kanilang pagkakamali at ang paghingi nila ng tawad at pagmamakaawa sa executive pardon ni Pangulong Arroyo ay ba­sehan upang maging ku­walipikado sila sa executive clemency.

“The power of the President under the Constitution to grant executive clemency is absolute once the conditions for the granting of pardon are already present,” ani Teodoro. 

Noong Biyernes ay hu­marap sa media ang Mag­dalo leaders na sina Army Captains Gerardo Gambala at Milo Maestre­campo at ipinaabot sa Pangulo ang kanilang pag-amin, pagsisisi at paghingi ng kapatawaran sa kani­lang nagawang kasalanan sa bayan.  

Sabi naman ni Puno, tayo ay isang compassionate na bansa at mayroong compassionate na Pangu­lo at naniniwala ako na mata­pos nilang aminin ang kani­lang pagkakamali ng suma­ma sa nabigong Oak­wood mutiny sa Makati City noong 2003 ay magiging kapaki-pakinabang na miyembro ng society muli ang mga ito. 

“These junior officers were led astray by wrong beliefs but have realized their grave mistakes. Military adventurism is no way to pursue and achieve reforms. They are very talented soldiers and we would like to give them another chance to help the country move forward,” giit naman ni Esperon. 

Si Maestrecampo at Gambala ay hinatulan ng reclusion perpetua o 40 taong pagkakabilanggo habang ang pito ay prison mayor o mula 6-12 taong kalaboso.

Samantala sa loob ng kulungan ay naging relihi­yoso umano sila matapos na sumapi sa Born Again Christian at sa kabila ng hatol ay umaasang dara­ting din ang liwanag sa kanilang buhay.

ARMY CAPTAINS GERARDO GAMBALA

BORN AGAIN CHRISTIAN

CHIEF OF STAFF GEN

DEFENSE SECRETARY GILBERTO TEODORO JR.

ESPERON JR.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with