^

Bansa

9 Magdalo ‘di na  makakabalik sa serbisyo

-

Hindi na maaring ma­ kapabalik pa sa serbisyo ang siyam na miyembro ng Magdalo Group na hinatulang guilty sa korte matapos madismis sa serbisyo kaugnay ng pag­kakasangkot sa Oakwood mutiny noong Hulyo 27, 2003.

Ayon kay Army Chief at incoming Chief of Staff Lt. Gen. Alexander Yano, may patakarang sinusunod sa AFP na kapag natanggal sa serbisyo ay hindi na maaring makagserbisyo pang muli.

Ginawa ni Yano ang pahayag kasunod naman ng hakbangin nina Captains Milo Maestrecampo, Gerardo Gambala at 7 pa na humingi ng “presidential pardon” kay Pangulong Arroyo.

Nang matanong na­man kung irerekomenda niya kay Pangulong Arroyo na pagkalooban ng pardon ang siyam na Magdalo sinabi ni Yano na hindi siya hiningan ng tulong ukol dito ng grupo nina Gam­bala.  

Pabor naman si DILG Secretary Ronaldo Puno na bigyan ng executive pardon ang siyam na hinatulang Oakwood mutineer.

Sinabi ni Puno na ang pag-amin at pagsisisi ng grupo nina Maestrecampo ay patunay lamang na sinsero ang mga ito sa hinahangad na reporma.

Tiwala rin si Puno na magiging mabuting sibil­yan ang siyam matapos na mapagtantong mali ang military adventurism bilang paraan ng pagpapahayag ng karaingan at reporma s a gobyerno.

Idinagdag pa ng Kali­him na personal niyang irerekomenda kay Pangu­long Arroyo na mabigyan ng pardon ang siyam na opisyal ng Magdalo Group. (Joy Cantos)

vuukle comment

ALEXANDER YANO

ARMY CHIEF

CHIEF OF STAFF LT

GERARDO GAMBALA

JOY CANTOS

MAGDALO GROUP

PANGULONG ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with