^

Bansa

9 Magdalo nagmakaawa, pardon ni GMA hingi

-

“We  will ask for (GMA’s) pardon everyday, every week, every month, every year until we’ll be given freedom, that is what were asking for, that’s our  desire!”

Ito ang nagmamakaawang apela kahapon kay Pa­ ngulong Arroyo ng siyam na Magdalo na hinatulan ng guilty ng korte sa kasong kudeta matapos sakupin ang Oakwood Premiere Hotel sa Makati City noong Hulyo 27, 2003.

Sa press briefing sa Philippine Army Headquarters, ipinaabot nina Captains Gerardo Gambala at Milo Maestrecampo sa Palasyo ng Malacañang ang kanilang pag-amin, pagsisisi at paghingi ng kapatawaran sa kani­lang nagawang kasalanan sa bayan.

Sina Gambala at Maestrecampo ay kapwa nahatulan ng reclusion perpetua o habambuhay na pagkakabilanggo habang ang 7 pa ay prison mayor o mula 6-12 taong pag­kakakulong. Kabilang sa mga ito sina Captains Alvin Ebreo, Lawrence Louis Somera, Albert Baloloy, John Andres, 1st Lieutenants Cleo Donggaas at Florentino Somera Jr. 

Sinabi naman ni Maestrecampo na sa loob ng may limang taong pagkakakulong ay napatunayan nilang hindi kudeta ang sagot sa reporma at pagbabago sa gobyerno. (Joy Cantos)

ALBERT BALOLOY

CAPTAINS ALVIN EBREO

CAPTAINS GERARDO GAMBALA

FLORENTINO SOMERA JR.

JOHN ANDRES

JOY CANTOS

LAWRENCE LOUIS SOMERA

LIEUTENANTS CLEO DONGGAAS

MAESTRECAMPO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with