Senators binira ng COGEO
“Kung magiging awtomatiko, o mawawala ang demokrasya sa Pilipinas, ito ay magiging dahil sa inyo.”
Ito ang inihayag ng Confederation of Government Employees Organizations (COGEO) kahapon matapos ideklara ng ilang senador na papunta na ang bansa sa pagiging awtomatiko kung hindi babaligtarin ng Korte Suprema ang hatol nito sa Neri executive privilege case.
“Kilabutan kayo sa pag-pressure ninyo sa Korte Suprema dahil lamang hindi sumang-ayon ito sa inyong baluktot na pananaw sa kung ano ang katotohanan at makatarungan,” ayon sa legal counsel at chairman at president ng COGEO na sina Atty. Jesus Santos at Florinio Ibanez.
“Mga testigong tulad ni Jun Lozada na umamin na lahat sa kaniyang mga kaduda-dudang gawain ngunit hindi man lamang ninyo usisaing mabuti sapagkat hindi angkop sa inyong mga personal na interes ang kahihinatnan,” wika pa ng dalawa.
Kung gusto umano ng publisidad ng mga nagpupumilit sa ZTE probe tulad nina Senador Alan Peter Cayetano, Benigno Aquino III, Mar Roxas at Francis Escudero ay pumasok na lang ang mga ito sa showbiz.
Sinabi nina Santos at Ibanez na hindi kailangang maging henyo ang isang tao para makitang walang maidudulot ang patuloy na imbestigasyon sa ZTE deal, na kinansela na ilang buwan na ang nakakaraan, kundi posibilidad sa mga senador.
Kung hindi publisidad ang hangad ng mga senador, sinabi ni
- Latest
- Trending