^

Bansa

40 taon sa 2 Magdalo

- Rose Tamayo-Tesoro -

Dalawa sa panguna­hing lider ng rebeldeng grupong Magdalo ang hinatulan kahapon ng Makati Regional Trial Court ng parusang 40 taong pagka­bilanggo kaugnay ng Oakwood mutiny noong Hulyo 2003.

Kinilala ng korte ang dalawa na sina Capt.  Gerardo Gambala at Capt. Milo Maestre­campo na pinatawan ng parusang mula 20 hang­gang 40 taong pagkabi­langgo na may katum­bas na ring habambu­hay.   

Gayunman, pina­tawan lang ng parusang mula anim hanggang 12 taong pagkabilanggo ang mga kapwa aku­sado nila na sina Captains Alvin Ebreo, Lau­rence Louis Somera, Albert Baloloy at John Andres; 1Lt. Florentino Somera, 2Lt. Kristoffer Bryan Yasay at 1Lt. Cleo Dongga.

Ang mga nasenten­syahang dating sundalo ay kabilang sa 31 mi­yembdo ng Magdalo na nahaharap sa kasong coup d’ etat dahil sa pag­­tatangka nilang ibagsak ang gobyerno nang kub­ kubin nila ang Oakwood hotel noong 2003.

Posibleng pagka­looban ng executive clemency o presidential pardon ni Pangulong Gloria-Macapagal-Arroyo ang siyam na na­sen­tensyahan kahapon na mga miyembro ng rebeldeng grupong Mag­dalo dahil sa pagpa­ pakumbaba, paghingi ng paumanhin sa Pangulo noong 2004 at pag-amin ng mga ito sa kanilang nagawa at partisipasyon sa Oakwood mutiny.

Sa panayam kay Atty. Trixie Angeles, isa sa mga abogado ng Mag­ dalo,sinabi niya na sa sen­tensiyang ipina­taw kina Gambala at Maes­tre­campo ay wa­lang na­ganap na bargaining o kapalit ng ka­nilang nasa­bing pag-amin subalit ma­­laki uma­no ang tsan­sa ng mga ito na pagka­looban ng pardon ng Pa­ngulo.

ALBERT BALOLOY

CAPT

CAPTAINS ALVIN EBREO

CLEO DONGGA

FLORENTINO SOMERA

GERARDO GAMBALA

JOHN ANDRES

KRISTOFFER BRYAN YASAY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with