^

Bansa

Pagbebenta ng bigas inayawan ng obispo

-

Tutol si Laoag Bishop Sergio Utleg na  gamitin ang simbahan sa pagbebenta ng  bigas.

Sinabi ni Utleg na  naniniwala siyang hindi dapat ang simbahan ang magbenta ng bigas dahil ito ay paraan lamang ng pamahalaan  upang makita ng publiko na may ginagawa si­la  upang masolusyunan ang  proble­ma ngayon sa bigas ng  bansa.

Sinabi ni Utleg na mayroon namang mga social action center na tumutulong sa mga tao at nagpo-provide sa coops ng mga  commodities.

Aniya, wala silang balak sa  diocese ng Laoag na magbenta ng NFA rice dahil wala naman silang tindahan dito.

Naniniwala rin naman ang obispo na walang krisis ng bigas sa bansa at nagmahal lamang ang presyo nito dahil sa manipulasyon at anomalya.

Ipinaliwanag ni Utleg na mas dapat na la­mang gawin ng pamahalaan ang pagkakaroon ng trans­parency sa kanilang mga proyekto at tulungan ang mga magsasaka sa Pilipinas at hindi magsasaka ng Thailand o Vietnam. (Doris Franche)

ANIYA

DORIS FRANCHE

LAOAG BISHOP SERGIO UTLEG

SINABI

UTLEG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with