Hinikayat kahapon ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri ang mga residenteng may “bingot” o cleft lip or palate” na magpaopera nang libre sa proyekto ng lokal na pamahalaan katuwang ang mga banyagang duktor at nurse.
Ayon kay Echiverri, nasa ikaapat na taon na ang “Operation Restore Hope” sa pagbabalik nito ng matatamis na ngiti sa mukha ng mga residenteng may bingot upang muling gawing normal ang kanilang buhay.
Ang libreng operasyon ay bukas sa lahat ng mga taga-Caloocan kahit anong edad, kasarian o depormasyon.
“Kailangan lamang pumunta ng mga residenteng may bingot sa President Diosdado Macapagal Medical Memorial Center para sa libreng preliminary medical evaluation upang matukoy kung pwede silang sumailalim sa operasyon,” paliwanag ni Echiverri.