Siniguro ng Hong Kong authorities na magkakaroon ng dagdag sa suweldo ang mga OFWs partikular ang mga domestic helper doon.
Nabatid kay Labor Secretary Marianito Roque, nagkaroon agad ng bunga ang ginawang pagbisita ni Pangulong Arroyo sa Hong Kong matapos tiyakin ni Matthew Cheung, Permanent Secretary for Labour and Welfare sa HK, na ihahayag nila ang moderate na pagtaas sa sahod ng mga DH na Pinay hanggang sa Hunyo.
Aniya, hihintay na lamang ng HK authorities ang statistical date ng kanilang consumer price index, gross domestic product at iba pang economic indicators na inaasahang lalabas sa buwang na magdedetermina sa maging dagdag sa sahod ng mga foreign workers sa HK.
Sa kasalukuyan ay umaabot sa HK$3,480 ang buwanang suweldo ng mga Pinay DH, ayon kay Roque. Sa record ng Hong Kong Labour and Welfare Department, nasa 125,000 ang Pinay DH doon. (Rudy Andal)