^

Bansa

Colorum na jeep, tricycle sunod na puntirya ng spray paint ng MMDA

-

Sunod na puntirya ng kontrobersiyal na spray paint campaign ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga out-of-line o colorum na mga jeepney at tricycle sa Kalakhang Maynila.

Ayon kay MMDA General Manager Robert C. Nacianceno, nakahanda na ang ahensiya sa phase 2 ng kanilang kampanya upang alisin ang lahat ng mga illegal passenger vehicles na sanhi ng mabagal na daloy ng trapiko sa mga lansa­ ngan ng Metro Manila.

Sinabi ni Nacianceno na sa kabila ng inani nilang kritisismo sa inilunsad nilang spray-painting sa mga colorum at out-of-line buses, napagtagumpayan ng ahensiya na makuha ang atensiyon ng publiko at naalarma rin ang mga illegal bus operators matapos umalma dahil nauga ang kanilang illegal na ne­gosyo.   

Nakikipag-ugnayan na ang MMDA sa lahat ng transport organizations para sa implementasyon ng anti-colorum drive sa mga jeep at aniya ay isusunod nila ang mga tricycle dahil sa hindi rin mapigil na pag­dami ng mga ito na parang mga kabute sa kalsada.

Nakatakdang ipatupad ni Dir. Roberto Esquivel, hepe ng MMDA Traffic Enforcerment Group (TEG) anumang araw mula nga­yon ang kampanya sa illegal passenger jeepney.

Bukod dito, target din ng MMDA na alisin ang mga illegal terminals para mapa­luwag ang mga kalye dahil sinasakop ng mga ito ang malaking bahagi ng dapat sana ay para sa pedestrian at motorist lane. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

GENERAL MANAGER ROBERT C

KALAKHANG MAYNILA

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NACIANCENO

ROBERTO ESQUIVEL

ROSE TAMAYO-TESORO

TRAFFIC ENFORCERMENT GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with