^

Bansa

Tuhod ni Erap lumalala

-

Nakatakdang pumunta sa Estados Unidos si dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada upang ipa­ tingin ang kanyang tuhod na matagal na niyang ina­angal na sumasakit.

Ayon kay Margaux Sal­cedo, tagapagsalita ng dating Pangulo, sa ngayon ay inaayos na ang US visa ni Estrada at posibleng sa kalagitnaan ng buwan ng Mayo aalis patungong Ame­rika si Erap para mag­patingin kay Dr. Christopher Mow, ang surgeon na hu­ling tumingin sa tuhod niya noong December 2004 dito sa Pilipinas.

Sa ipinalabas namang statement ni Erap, sinabi nitong kinakailangan na niyang magpatingin sa dalubhasa dahil nararam­daman na niya na mukhang lumalala na ang sakit nito sa tuhod at kailangan na umanong maagapan.

“I have pain in both knees. Though bearable, I have to seek treatment because this might get worse,” ayon sa statement ni Es­ tra­da.

Ang biyahe ni Estrada sa US ang unang pagkaka­ taon matapos ang walong taon. Huli nitong nabisita ang Washington D.C. sa pa­mamagitan ng kanyang state visit noong 2000.

Sa liham ni Mow na naka-address sa US consul and inspector, magtatagal hanggang 14 na araw de­pende sa test results ang check-up sa tuhod ni Es­trada.

Kung masusunod ay gus­tong gawin ni Mow ang check-up sa kanyang clinic sa Richmond, California.

“Mr. Estrada is due to undergo extensive testing for orthopedic, heart, pulmonary, vascular and other conditions,” saad pa ng sulat ni Mow.

Si darating na Abril 18 ay 71-anyos na si Estrada. (Edwin Balasa)

DR. CHRISTOPHER MOW

EDWIN BALASA

ERAP

ESTADOS UNIDOS

MARGAUX SAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with