^

Bansa

Bigas ‘wag gamitin sa pulitika — solon

-

Nanawagan kahapon si dating Agriculture Minister at ngayon ay Sorsogon Rep. Salvador Escudero III sa gobyerno na huwag gamitin sa politika ang bigas dahil ang mga maliliit na mamamayan ang ma­apektuhan dito.

Si Escudero ay dating Secretary of Agriculture ni Pangulong Ferdinand Marcos at Fidel Ramos. 

Ayon kay Escudero, dapat pag-ibayuhin ng gobyerno ang irrigation at mga kanal nito para gu­manda ang ani ng bigas sa bansa.

Sinabi ni Escudero, sa Pilipinas lamang natuto ang Vietnam, Thailand at ibang bansa sa pagtatanim ng bigas pero naiwanan na tayo ng mga ito dahil suportado ng gobyerno ang irrigation at mga mag­sasaka sa kanilang mga lugar.

Ayon dito, kahit na mag­­laan ng malaking pondo para sa pagtatanim kung ang irrigation ay palpak tiyak walang mang­yayari dito.

Sinabi ni Escudero, isa pang problema ng bansa ay ang pagdami ng popu­lasyon. Habang dumarami aniya ang mga kumakain, kumokonti ang makakain.

Samantala, isang pa­nukalang batas ang House Bill 948 ang inihain ng isang lady Repren­senta­ tive sa Kamara para paru­sahan ang ethnic discrimination.

Ayon kay Lanao del Sur Rep. Paysah Dumarpa, layunin ng ikinasa niyang panukalang batas na parusahan ang mga taong mang-iinsulto sa mga taong may problema sa pagbigkas ng mga salitang lumalabas sa kanilang mga bibig.

Ang House bill 948 kung magiging ganap na batas ay puedeng maparu­sahan ng pagkakakulong ang isang taong nang-insulto sa kanyang kapwa at multa. (Butch Quejada)

vuukle comment

AGRICULTURE MINISTER

ANG HOUSE

AYON

BUTCH QUEJADA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with