Binuo kahapon ni Agricultural Sector Alliance of the Philippines (AGAP) Partylist Congressman Nicanor Briones ang Task Force Smuggling para mabantayan ng husto ang mga pumapasok na kargamento sa limang pangunahing pantalan sa bansa.
Sa isinagawang Farmers Forum sa Club Filipino, sinabi ni Rep. Briones na inaprubahan ni Pangulong Arroyo ang pagbuo ang Task Force Smuggling mula sa private stakeholders.
Makakatulong ng mga tauhan ng Presidential Anti Smuggling Group (PASG) Bureau of Customs (BoC) at Department of Agriculture (DA) ang core group ng AGAP sa pamamagitan ng pagbibigay ng ‘deputation’ para masusing mabantayan ang lahat ng mga inaangkat na produkto mula sa ibang bansa.
Naniniwala si Rep. Briones na ang nagaganap ngayon ‘food shortage’ sa bansa ay dahil na rin sa patuloy na pama mayagpag ng mga smuggler bunsod na rin sa pakikipagsabwatan ng ilang tiwaling opisyal at tauhan ng BoC.
Ani Briones, nawawalan na umano ng gana ang mga magsasaka na magtanin ng palay, gulay at mag-alaga ng manok at baboy dahil rin sa ‘pagbaha’ ng mga smuggle na produkto sa merkado. (Butch Quejada)