^

Bansa

9 Magdalo umamin sa Oakwood mutiny

-

Ikinagulat ng mga abo­gado ng depensa at taga­usig nang aminin at mag­hayag ng “guilty plea” ang siyam na junior officers na miyembro ng Magdalo Group sa pagpapatuloy kahapon ng paglilitis kaug­nay sa partisipasyon nila sa 2003 Oakwood mutiny sa Makati City Regional Trial Court (RTC).

Nagsumite ng manifestation kung saan pinalitan ang unang inihaing “not guilty plea” sa “guilty plea” sa sala ni Makati RTC Judge Oscar Pimentel ng branch 148 sina Army officers Capts. Gerardo Gam­bala, Milo Maestro­campo, Albert Baloloy, John Andres at Alvin Ebreo at Lts. Lawrence Luis So­mera, Florentino Somera, Christopher Brian Yasay at Cleo Dongga-As.

Maliban kay Sen. Antonio Trillanes IV, kabilang sina Gambala, Maestro­campo, James Layug at Marine Capt. Gary Alejano sa itinuturong lider ng grupo na kumubkob sa Oakwood Hotel noong Hulyo 27, 2003.

Hindi naman nakasipot sa naturang pagdinig si Trillanes at ang pito pang akusado, kabilang sina Layug at Alejano na naka­ratay pa sa AFP Medical Center dahil sa dengue.

May hinala naman si Atty, Ernesto Francisco, Jr., abogado ng depensa na posibleng pumasok sa isang kasunduan sa Mala­canang ang siyam na opis­yal kapalit ng maba­bang hatol sa kanila. 

Dagdag pa ni Francisco na posibleng alam na ng tagausig ang gagawing pag-amin ng siyam na akusado dahil kaagad na nagrekomenda si State Prosecutor Richard Anthony Fadullon na maku­long ng mula 17-20 taon sina Gambala at Maestro­campo habang 10-12 taon naman sa anim pang opis­yal.

Tinanggi naman ni Fadullon ang bintang ng depensa at sinabing naka­pagpagaan ang pag-amin ng siyam kaya inireko­menda niya ang hatol, bukod sa naging tahimik naman ang pagsuko ng mga sundalo at nakipag­tulungan sa pagpapatuloy ng paglilitis.

Sa April 8 iti­nakda ni Judge Pimentel ang pag­baba ng hatol laban sa siyam.  (Rose Tamayo-Tesoro)

ALBERT BALOLOY

ALVIN EBREO

ANTONIO TRILLANES

CHRISTOPHER BRIAN YASAY

CLEO DONGGA-AS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with