^

Bansa

OFWs salain muna bago ipadala

-

Dapat umanong hig­pitan ng gobyerno ang pagpapadala ng mga OFW sa ibang bansa.

Ito ang reaksyon ni Justice Secretary Raul Gon­zalez sa gitna ng napi­pintong pagbitay sa Pinay helper na si May Vecena na sinasabing pumatay sa kanyang 6-taong gulang na alaga at pagsaksak sa dalawa pang nakatatan­dang kapatid ng biktima noong Enero 2007.

Sinabi ng Kalihim na dapat salain ang mga Pinoy workers bago sila ipadala sa ibang bansa upang ma­ ging handa sa naiibang kul­tura na kani­lang kakaha­rapin.

Ito ay dahil sa kada­lasan umanong dumara­nas ng culture shock ang mga OFW dahil sa kawa­lan ng kahandaan para makapag-adjust sa kani­lang mga panibagong sitwasyon kaya nasasang­kot sa krimen.

Kaya sa sandali naman umanong magkasala ang mga ito ay nagiging pabigat na ang isang OFW sa gobyerno.

Inihalimbawa nito ang naunang sinentensiyahang mabilanggo sa mga bansa sa Middle East kung saan ipinadala pa ng DOJ si Chief State Prosecutor Jovencito Zuno upang makapagbigay ng legal assistance sa kinasuhang Pinoy.

Subalit pagdating daw sa Middle East ay nahi­hirapan din ang gobyerno dahil sa kakaibang legal system na pinaiiral ng mga dayuhan. (Gemma Amargo-Garcia)

CHIEF STATE PROSECUTOR JOVENCITO ZUNO

GEMMA AMARGO-GARCIA

JUSTICE SECRETARY RAUL GON

MAY VECENA

MIDDLE EAST

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with