Cory umiigi

Bumubuti na umano ang kalagayan ni dating pangulong Corazon Aqui­no matapos sumailalim sa chemotherapy para sa kanyang colon cancer.

Sa pahayag ng kan­yang anak na si Pinky Aquino Abellada, magana nang kumain ang kanilang ina hindi tulad noong mga unang araw ng kanyang chemo na mahina ito. 

“She has no nausea or anything,” wika naman ng isa pang anak na si Viel Aquino-Dee.

Ani Viel, magpapatuloy ang chemo sessions at inaasahang tatagal pa ng ilang buwan.

Sa ngayon ay hirap pa umanong magsalita si Mrs. Aquino subalit kasama pa rin siyang nagro-rosaryo ng pamilya.

“We just pray aloud and she just listens,” sabi pa ni Viel.

Show comments