Anti-government  nasa  likod daw ng ‘krisis sa bigas’

Ang grupo na ku­ma­kalaban sa pama­ha­laan ang siyang nasa likod ng mga maling balita na may krisis sa bigas sa bansa.

Sa Kapihan ng Ba­yan forum sa Quezon City kahapon, sinabi ni Mala­canang Deputy Spokesperson Anthony Golez na  nananatiling sapat ang suplay ng bi­gas at walang kaku­la­ngan nito ang bansa da­hil may sapat na imbak na bigas ang  National Food Authority  na mas mataas pa noong naka­raang taon.

Kaugnay nito,sinabi naman ni Shiela Da­mas­co, presidente ng  NFA retailers  ng  Natio­nal Ca­pital Region, tama ang sinasabi ni Golez’ na may sapat na suplay ng bigas sa bansa at wa­lang rice  crisis. Gayun­man, ka­ilangang magsa­gawa ng epektibong pama­maraan ang NFA tulad ng mga kaukulang re­gulasyon para sa mga retailers. (Angie dela Cruz)

Show comments