Sa ika-limang sunod ngayong Marso ay muling itinaas kahapon ng mga kompanya ng langis sa P50 kada litro ang presyo ng kanilang produktong petrolyo habang bilang pampalubag ay ibinaba naman ang presyo ng produktong Liquified Petroleum Gas (LPG).
Paliwanag ng mga local na kompanya ng langis na ang patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo sa pandaigdigang pamilihan ang dahilan ng paniba gong oil price hike. Hindi na umano nila kayang balikatin ang dating presyo ng kaya kinakailangan na nila itong ipasa sa consumer.
Sa ngayon ay umaabot na sa mahigit $104 kada bariles ang presyo ng krudo sa world market.
Kahapon ng madaling-araw sinimulan ang dagdag presyo ng Shell na agad sinundan ng Petron, Chevron, Unioil at Total.
Dahil sa panibagong dagdag presyo ng petrolyo ay umaabot na sa halagang P2.50 ang itinaas nito ngayon pa lang buwan ng Marso dahil sa limang tig-singkwenta sentimos kada litrong dagdag.
Samantala bilang pampalubag sa publiko ay ibinaba naman nila ang presyo ng kanilang tindang LPG ng 50 sentimos kada kilo o P5.50 kada 11kg. (Edwin Balasa)