^

Bansa

“Nene, mag-‘sorry’ ka” – Yap

-

Hiniling kahapon ni Agriculture Secretary Arthur Yap kay Sena­dor Aquilino “Nene” Pimentel na mag-“public apology ito sa kanya kaugnay ng bin­tang nito na nagbe­benta ng bigas ang kanyang biyenan.

Sa isang panayam, sinabi ni Yap na ka­ilangang ipaliwanag ni Pimentel ang mga sinasabi nito dahil walang katotoha­nanan ang alegas­yon nito na rice retailer ang biyenan niyang si Jimmy Gaw.

Sinabi ng kalihim na napanood niya sa TV ang balitang inaakusa­han ni Pimentel ang kanyang biyenan kaya agad niyang kinausap ito at tinanong kung nag-aplay para sa rice business.

“Sabi ng biyenan ko wala.. actually ang business ng biyenan ko ay textile at naka­ipon siya­.. napa­lago ang ne­gosyo kaya naitaguyod niya na maitayo ang Uni­wide warehouse club,” galit na paliwa­nag ni Yap

Wala din anyang conflict of interest na matatawag sa negosyo sa biyenan ni Yap da­hilan sa anya ay textile business at hindi rice business ang negosyo nito.

Niliwanag ni Yap na sa katunayan anya, hiningi na niya ang tulong ng National Bureau of Investigation para ito mismo ang mag- im­bes­tiga sa alegasyon ni Pimen­tel.

Nilinaw pa ni Yap na dahil sa matinding pag­lobo ng populas­yon, nangailangan ang ban­sa na umangkat ng bigas sa ibang bansa.

Kaugnay nito, si­nuspinde ni Yap ang dalawang provincial officers ng NFA dahil sa pagkabigo ng mga itong maresolba ang isyu ng rice hoarding at pagbebenta ng ilang tiwaling negosyante na nagbebenta sa mataas na halaga ng mga NFA rice.

Ayon kay Yap ang ginawang pagsuspin­de kina NFA Isabela provincial manager Al­fredo R. Pa­guila at NFA Isa­bela regional director Danilo I. Pas­trana ay ba­hagi ng “zero-tolerance” policy ng ahensiya la­ban sa mga rice hoarders sa bansa.

Pero hindi hihingi ng paumanhin si Pimentel kay Yap.

“Nagtanong lang ako kung ang kanyang father-in-law, si Jimmy Gaw, ay sangkot sa rice trading. Sapagkat ayaw ko na imbestiga­han kaagad ng Senado ito. If it is not true, why will we bother investigating? That will be a waste of time,” katuwi­ran ni Pimentel.

Naniniwala si Pi­men­tel na walang da­hi­lan para sa paghingi ng paumanhin dahil hindi naman niya direk­tang tinukoy ang pag­kakasangkot ni Gaw sa rice trading kundi nag­tanong lamang siya kung totoo ba ito o hindi.

Ayon pa kay Pimen­tel, hindi naman nasira ang reputasyon ni Yap at biyenang si Gaw dahil sa ginawa niyang pagtatanong.

“Kung hindi sangkot si Jimmy Gaw sa ne­gosyo ng bigas, e di pa­tay na ang isyu,” sabi ng senador.

Gayunman, sinabi ni Yap na hindi ma­kata­rungang ituturo sa kan­yang pamilya o mga kaibigan ang sanhi ng umano’y kri­sis sa bigas nang wala naman ma­tibay na ebidensiya. (Angie dela Cruz, Grace Amargo-dela Cruz at Malou Escudero)

AGRICULTURE SECRETARY ARTHUR

JIMMY GAW

PLACE

RICE

SHY

YAP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with