Pinay pinatay sa Japan

Isang 33-anyos na Pilipina at isa niyang anak na pitong-buwang gulang na sanggol ang pinatay ng kanyang asawang Hapones sa Japan nitong nakara­ang Martes.

Kahapon lang nai­pa­hayag ni Depart-ment of Foreign Affairs Spokesman Claro Cris­tobal ang insidente ma­karaang matanggap nito ang naantalang ulat ng Philippine consul ge­neral sa Tokyo na si Sul­picio Confiado.

Sinasabi sa isang ulat na ayon sa paha­yag ni Cristo­bal, sumu­ko sa pulisya ng Japan ang suspek na si Ma­sayoshi Nagano, 43, driver ng Seibu Bus Co., at nagtapat na pi­na­­­tay nito ang sarili nitong asa­wa at anak nitong nakaraang Linggo.

“Inamin niya (Masa­yoshi) na pinatay niya ang kan­yang asawa at anak dahil nababahala siya sa malaki niyang utang at tinangka rin niyang magpakamatay pero hin­di niya maga­wa,” sabi ni Cristobal.

Iniimbestigahan pa ng Japanese Police ang krimen. Nakatakda ring iawtopsiya ang bang­kay ng mag-ina na ang mga pangalan ay hindi binanggit sa ulat.

Show comments