Bagong ‘Mortal Sins’ inilabas ng Vatican

Ipinalabas kamakailan ng isang mataas na opis­yal ng Vatican ang isang panukalang bagong listahan ng mga itinuturing na mortal na kasa­ lanan na inaasahang magpapakabog sa dibdib ng mga Kato­liko at kukumbinsi sa kanila na mangumpisal lalo na kung Mahal na Araw.

Ito ang nabatid kahapon kay Dr. Esteban La­ torre, isang theologian ng Theology University of Navarre sa Spain.    

Ipinaliwanag ni Latorre sa panayam ng ABS-CBN na nagsasagawa lang ng isang media estra­tegy ang Simbahan para mahikayat ang mga tao na mangumpisal.

Kabilang sa mga bagong mortal na kasalanan, ayon sa Vatican, ang environmental pollution o pag­du­mi sa kapaligiran, pagkamal ng sobrang ka­yamanan, pagdudulot ng kahirapan sa ibang tao,  pagbebenta at paggamit ng bawal na gamot, imoral na mga eksperimento at paglabag sa kara­patan ng tao.

Ang pagnanasa, katakawan, kasakiman, galit, inggit, katamaran at kayabangan ang pitong ma­tan­da nang mga mortal na kasalanan.

Kung maririnig ng mga Katoliko ang mga ba­gong mortal na kasalanan, ayon kay Latorre, maa­ aring maka­pag-isip sila kung nakagawa sila ng ganitong pagka­kasala at makukumbinsi silang mangumpisal sa pari.

Naunang nagmungkahi ng mga maituturing na mga bagong mortal na kasalanan si Monsig­ nor Gian­franco Girotti ng Apostolic Penitentiary ng Vati­can nang kapanayamin siya ng  L’Osserva­torre Romano, isang pahayagan sa Vatican, na nalat­hala noong Marso  9.

Idiniin ni Latorre na hindi pumapalit sa mga dating mortal na kasalanan itong mga bago.  Hindi nagpapa­tupad o naghahayag ang Vatican kung ano ang mga bagong maituturing na mga kasalanan.

Show comments