Bagong ‘Mortal Sins’ inilabas ng Vatican
Ipinalabas kamakailan ng isang mataas na opisyal ng Vatican ang isang panukalang bagong listahan ng mga itinuturing na mortal na kasa lanan na inaasahang magpapakabog sa dibdib ng mga Katoliko at kukumbinsi sa kanila na mangumpisal lalo na kung Mahal na Araw.
Ito ang nabatid kahapon kay Dr. Esteban La torre, isang theologian ng Theology University of Navarre sa
Ipinaliwanag ni Latorre sa panayam ng ABS-CBN na nagsasagawa lang ng isang media estrategy ang Simbahan para mahikayat ang mga tao na mangumpisal.
Kabilang sa mga bagong mortal na kasalanan, ayon sa Vatican, ang environmental pollution o pagdumi sa kapaligiran, pagkamal ng sobrang kayamanan, pagdudulot ng kahirapan sa ibang tao, pagbebenta at paggamit ng bawal na gamot, imoral na mga eksperimento at paglabag sa karapatan ng tao.
Ang pagnanasa, katakawan, kasakiman, galit, inggit, katamaran at kayabangan ang pitong matanda nang mga mortal na kasalanan.
Kung maririnig ng mga Katoliko ang mga bagong mortal na kasalanan, ayon kay Latorre, maa aring makapag-isip sila kung nakagawa sila ng ganitong pagkakasala at makukumbinsi silang mangumpisal sa pari.
Naunang nagmungkahi ng mga maituturing na mga bagong mortal na kasalanan si Monsig nor Gianfranco Girotti ng Apostolic Penitentiary ng Vatican nang kapanayamin siya ng L’Osservatorre Romano, isang pahayagan sa Vatican, na nalathala noong Marso 9.
Idiniin ni Latorre na hindi pumapalit sa mga dating mortal na kasalanan itong mga bago. Hindi nagpapatupad o naghahayag ang
- Latest
- Trending