Arrest order vs Ruben Reyes, 14 pulis ikakasa ng Senado
Pirmado na ni Senate President Manuel Villar ang subpoena laban kay Ruben Reyes, ang nag-broker umano ng NBN project sa ZTE Corp. ng China at sa 14 pulis na nag-escort kay Engr. Rodolfo “Jun” Lozada Jr. ng dumating ito sa bansa mula sa Hong Kong.
Tiniyak ni Villar na ikakasa nila ang pag-aresto sa mga nabanggit kung patu loy na iisnabin ang hearing ng Senate Blue Ribbon Committee.
Ayon kay Villar, dapat sagutin ng 14 na pulis ang paratang na kidnapping kay Lozada.
“Sabay-sabay kong pi nirmahan ang subpoena. Sine-serve na nila ngayon iyon. Naghahanapan pa sila. Nawawala pa iyong iba. After that, syempre wala kaming magagawa kundi mag-issue ng arrest order,” ani Villar.
Sinabi pa ni Villar na sakaling matanggap ng pamilya o tanggapan ni Reyes at ng mga opisyal ng PNP at NAIA ang subpoena, hindi na makapag-hihintay ang Blue Ribbon dahil obligasyon ng Senado na magpalabas ng arrest warrant kapag nabigo silang dumalo sa ipinatawag na pagdinig,
Sinabi pa ni Villar na marami pang saksi ang ipinatawag ng Blue Ribbon upang tumestigo sa ZTE anomaly kabilang ang personalidad na idinawit ni Engr. Dante Madriaga sa proyekto. (Malou Escudero)
- Latest
- Trending