Bureau of Fire nagpaalala sa mga bakasyunista vs sunog

Pinaalalahanan ka­hapon ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang milyon-milyong bakas­yunista mula sa Metro Manila na tiyakin ang seguridad ng kani­lang mga bahay bago lisanin ito upang ma­kaasa na may baba­likan pa silang tahanan matapos ang Mahal na Araw.

Sinabi ni BFP-National Capital Region chief, Sr. Supt. Ruben Bearis na maraming in­ sidente na lumilisan ang buong pamilya para mag­bakasyon sa pro­binsya tuwing Ma­hal na Araw ngunit wala nang bahay na ba­balikan dahil sa na­tupok na ng apoy da­hil sa kanilang kapa­ba­­yaan.

Partikular na ipi­nayo ni Bearis sa pub­liko na tiyaking naka­baba ang main safety switch ng kuryente ng bahay, hu­gutin ang lahat ng plug ng electrical appliances, i-double check kung sa­rado o may tagas ang tubo ng tangke ng “liquefied petroleum gas” at tiyakin na wa­lang naka­sinding kan­dila sa bahay bago tuluyang umalis.

Nagpakalat rin na­man ang BFP ng mga ambulansya, doctor at emergency medical technicians mula Mar­so 19-23 sa North at South Luzon Expressway bi­lang bahagi ng “Oplan Lakbay Alalay” ng pama­halaan.

Nabatid na karani­wang nagaganap ang aksidente ng mga be­hikulo, marami ang tina­tamaan ng “heat stroke” at paninikip ng baga sa mga bakas­yunista. Ilan naman ay nagpapagamot kahit ng pinakasimpleng “sunburn”, trauma at stress.

Show comments