‘Bahala siya’ – Lim

Tahasang sinabi ni Manila Mayor Alfredo Lim na depende na lamang kay Boxing Champ Manny Pac­quiao kung nais nitong magsagawa ng motorcade sa lungsod ng Maynila matapos ma­nalo sa kanilang re­match  ni  Juan  Manuel Marquez  noong Ling­go.

Sa ngayon ay wa­lang anumang ini­han­da ang city government para sa pagda­ting ni Pacquiao mata­pos nitong isnabin noong nakaraang la­ban niya kay Antonio Barrera ang inihanda ng mga Manileño sa kan­yang pagdating.

Idinahilan noon ni Pacquiao na mayroon siyang naunang  commitment  sa Quezon City kung saan naki­tang nagtungo ito mis­mo sa tanggapan ni Environment Secretary Lito Atienza.

Dahil dito, mara­ming residente ng May­nila  na umaasa  na makita sa motorcade si Pacquiao ang nadismaya.

Naghihintay la­mang sila ng  tawag o koordi­nasyon mula sa grupo ni Pac­quiao kung nais nitong mag­-motorcade sa May­nila.

“Kagaya ng lahat ng Pilipino, pinapupurihan natin ang mga naging achievements ni Manny para sa bayan.  Kaya lang, hindi naman tayo pupu­wedeng mamilit ng ayaw,” ani Lim.

Show comments