Dapat umanong panin digan ni dating Pangulong Joseph Estrada ang kanyang naunang pahayag na hindi na siya papasok sa pulitika.
Ito ang naging reaksiyon ni Cebu Archbishop Ricardo Cardinal Vidal kaugnay sa umano’y plano ni Estrada na tumakbo sa halalan sa taong 2010.
Sa isang panayam ng Radyo Veritas na pinatatakbo ng Simbahang Katoliko, sinabi ni Vidal na nangako sa kaniya si Estrada na hindi na siya papasok sa pulitika noon pa umano bago siya nabigyan ng pardon, dahil siya umano ay nagkakaedad na.
Inihayag din ng dating pangulo na maaari naman siyang tumulong sa mga mamamayang Filipino kahit hindi na siya isang pulitiko.
Bagamat hindi umano niya alam ang dahilan kung bakit nagbago ng isip si Estrada, pinayuhan pa rin ito ng Cardinal na tuparin ang kanyang pangako. (Doris Franche)