Nakiusap kahapon ang Malacañang sa mga raliyista na iwasan na nito ang pambabastos sa pamamagitan ng “name calling” kay Pangulong Arroyo sa kanilang isinasagawang mga kilos-protesta.
Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Lorelei Fajardo, iginagalang ng Palasyo ang mga kilos-protesta sa punto ng umiiral nating democratic freedom subalit dapat anyang maging responsable rin naman ang mga raliyista at gamitin ang kanilang karapatan sa sibilisidadong pamamaraan at hindi nambabastos.
“We however wish that the participants enjoy said freedom with responsibility. They should express themselves in a civilized manner and not resort to name calling,” giit pa ni Fajardo.
Magugunitang sa mga nakaraang araw, kung anu-ano ang itinatawag sa Pangulo tulad ng tiyanak, evil, bitch at sentro ng korupsyon hinggil pa rin sa kontrobersyal na NBN-ZTE deal. (Rudy Andal)