Hindi na nakapagpigil pa si Justice Secretary Raul Gonzalez sa mga bumabanat sa gobyerno kaya tinawag nitong “ugok” ang mga Obispo at mga dating opisyal ng gobyerno.
Kahapon, pinanindigan ng Kalihim ang pagtawag ng “ugok sa mga Obispo at sa mga kasapit ng Former Senior Government Officials (FSGO) at hindi umano niya babawiin ang nauna na niyang sinabi at wala siyang dapat ikatakot dahil expression lamang umano niya ito.
Sinabi ni Gonzalez na napuno na umano siya sa mga kaliwa’t kanang negatibong pahayag ng mga indibidwal na wala ng nakita kundi ang mga kamalian ng gobyerno kaya hind umano siya masisi na nakapagsalita siya ng masakit na salita dahil ito ay dala lamang umano ng bugso ng kanyang damdamin.
Nagbitiw si Gonza lez ng nasabing salita matapos nitong payuhan ang mga kasapi ng FSGO na mangumpisal sa mga ka-alyado nitong pari at Obispo dahil sa kasinungalingan ng mga ito.
Isinunod ni Gonzalez ang pagtawag na “ugok” nang sunud-sunod na banggitin ang mga pa ngalang “Bishop Iñiguez, Fr. Robert Reyes” na siya umanong dapat pagkumpisalan ng mga FSGO matapos na itanggi ng mga ito na ipinapanawagan nila ang pag baba sa puwesto ni Arroyo.
Idinagdag pa nito na matagal na siyang naiirita sa mga ipinakitang panghuhudas ng mga dating ka-alyado ng Pangulong Arroyo na sumasaksak umano sa likod nito partikular na si dating DSWD Sec. Dinky Soliman.
“….I have suffered some of these people for quite some time and I cannot forget the fact that during that time they were singing hosanna to the President. Then all of a sudden, lahat ng masama ginagamit laban sa kanya I think that is totally unethical for them and also out of tune sa kanilang responsibilidad na nakahawak ng mataas na puwesto,” ayon pa kay Gonzalez.