Tiniyak ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na hindi nila tinatalikuran ang kanilang pagkilos para sa “truth and accountability sa kabila ng kanilang hindi pagdalo sa rally.
Ipinaliwanag ni CBCP public affairs head Caloocan bishop Deogracias Iñiguez Jr. na masyadong hectic ang schedule ng mga Obispo bukod pa sa may problema sa kalusugan ang ilan kaya hindi nakasama sa interfaith rally ng mga kabataan kahapon.
Lumitaw ang isyu ng “abandonment” matapos na ipahayag ng CBCP na hindi makakadalo ang kanilang Pangulo na si Bishop Angel Lagdameo sa “rally for truth.” Si Lagdameo umano ay naconfine sa ospital bunga na rin ng sakit na pulmonary hypertension.
Ayon kay Iniquez, mananatili ang kanilang desisyon batay na rin sa kanilang pastoral letter na kinokondena ang iba’t ibang antas ng katiwalian sa pamahalaan at sa lipunan. Hindi lamang siya nakadalo sa rally dahil may nauna na siyang schedule ng graduation na pupuntahan.
Maging si Balanga, Bataan bishop Socrates Villegas na protegé ni dating Manila archbishop Jaime Cardinal Sin ay hindi nakasama sa rally dahil na rin sa hectic na schedule.
Mariin ding pinabulaanan ni Cruz ang mga haka-haka na may nag-pressure sa mga obispo na huwag dumalo sa rally dahil balido naman umano ang dahilan ng mga ito. (Doris Franche)