Esperon binalaan ng retired generals

Nagbanta kahapon ang mga retiradong heneral na sasampahan ng kaso si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Hermogenes Esperon Jr, dahil sa pagdadawit nito sa kanila sa diumano’y kudeta laban sa administrasyon ni Pangulong Arroyo.

Ayon kay ret. Gen. Ramon Montaño, nagpapalabas umano ng mapanirang akusasyon si Esperon laban sa mga retiradong heneral na di man lamang nito binigyan ng respeto bilang dati niyang mga superior.

Si Montaño ay dating Director General ng binuwag na Philippine Constabulary (PC) at Integrated National Police (INP).

Sinabi ni Montaño na sa sandaling mabigo si Esperon na patunayan ang alegasyon nitong nagpaplano ng kudeta ang mga retiradong heneral ay mahaharap ito sa samutsaring kasong kriminal. (Joy Cantos)

Show comments