^

Bansa

Justice Velasco ‘di mag-iinhibit sa kaso ni Neri

-

Hindi umano mag-i-inhibit si Supreme Court (SC) Associate Justice Presbi­tero Velasco Jr. kaugnay sa isyu ng executive privilege na inihain ni CHED Chairman Romulo Neri.

Sa ipinalabas na statement kahapon ni Velasco, inamin nito na nakalaro niya ng golf si Neri at Rodolfo Lozada subalit hindi anya tamang gawing basehan ito para mag-inhibit siya sa kaso.

Sinabi ni Velasco na nakilala niya si Neri sa isang seremonya sa Mala­cañang at nagkayayaan silang maglaro ng golf. Matapos ang isang buwan ay naglaro sila sa Wack-Wack golf club sa Manda­luyong kasama si Lozada, ngunit hindi umano na­ngangahulugan na golf­mate na sila ni Neri.

Maaring ginagamit la­mang umano ni Lozada ang isyung ito upang ma­ging basehan para mag-inhibit siya sa pagboto sa kaso ng NBN-ZTE deal na inihain ni Neri sa SC.

Tiniyak naman ni Ve­lasco na magiging patas siya tulad ng ginagawa niya sa ibang mga kaso.

Samantala, hindi pi­nagbigyan ng Korte ang petition ni Neri na bigyan sila ng isa pang linggo upang makapaghain ng komento kaugnay sa usapin ng executive privilege. 

Sinabi ni SC spokesman Atty. Midas Marquez, itinuturing umano ng mga Mahistrado na urgent ang nasabing kaso kaya gi­nagawa ng mga ito na mapabilis ang desisyon. (Gemma Amargo-Garcia)

ASSOCIATE JUSTICE PRESBI

CHAIRMAN ROMULO NERI

GEMMA AMARGO-GARCIA

LOZADA

MIDAS MARQUEZ

NERI

RODOLFO LOZADA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with