Lalagdaan ngayon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang 2008 General Appropriations Act sa Malacañang.
Sinabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa Mindanao Cooperative Summit sa Cagayan de Oro City kahapon na lalagdaan na ang badyet na sumasalamin sa hangarin ng pamahalaan na makipagtrabaho sa Kongreso para mamuhunan sa mamamayan at panatilihing malakas ang ekonomiya.
Ipinagmalaki pa ng Punong Ehekutibo na ang tax reforms na ipinatupad ng kanyang administrasyon ay nagkaloob ng dagdag na pondo sa pamahalaan na magagamit naman sa ibat ibang proyekto. (Rudy Andal)