Retiradong heneral naghahakot ng sundalo para sa kudeta

Aktibo umanong nag­ re-recruit ng mga sundalo para lumahok sa kudeta ang mga retiradong hene­ral ng Armed Forces of the Philippines upang aga­win ang liderato ng gob­yerno laban kay Pa­ngulong Glo­ria Macapa­gal Arroyo.

Ito ang ibinulgar ka­ha­pon ni AFP Chief of Staff Gen. Hermogenes Espe­ron Jr. pero ipina­hiwatig niyang bigo ang mga retiradong heneral na maka-recruit ng mga akti­bong sundalo. 

Sinabi ni Esperon na sa sandaling mahuli sa akto ang mga retiradong heneral ay pagugulu­ngin nila ang batas la­ban sa mga ito.

Gayunman, tumang­gi muna si Esperon na tuku­yin ang pangalan ng mga retiradong heneral at ang tropa ng mga sundalo na target ng kanilang recruitment. (Joy Cantos)

Show comments