MM mayors nagdeklara ng suporta sa Pangulo
Nagpahayag kahapon ng kanilang todong pagsuporta kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang Metro Manila Mayors League sa pangunguna ni Quezon City Mayor Feliciano Belmonte Jr.
Sinabi ng mga alkalde ng kalakhang Maynila sa kanilang resolusyon na ang nagaganap na ingay-pulitika ay hindi nakakatulong upang lalong umunlad ang ekonomiya at lalong hindi ito nakakatulong upang makahikayat tayo ng mamumuhunan.
Anila, dapat ay isara na ng Senado ang imbestigasyon sa NBN-ZTE deal dahil nagiging sanhi ito ng pagkakawatak-watak ng taumbayan at nagiging dahilan upang manghusga kaagad ang mamamayan kaysa magkaroon ng tunay na hustisya sa pagnanasang makamit ang katotohanan.
Idinagdag pa ng mga alkalde, pagod na ang taumbayan sa mga away-pulitika at mas nais ng taumbayan na asikasuhin ng mga pulitiko na mapaunlad lalo ang ekonomiya at pamumuhay ng Filipino. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending