240,000 turista dumagsa sa ‘Pinas

Daan-daang libong tu­rista ang dumagsa sa Pili­pinas sa pagpasok pa amang ng 2008.

Sinabi ni Commissioner Marcelino Liba­nan na 21 porsyento ang iti­naas ng bilang ng mga da­yuhan na pumupunta sa bansa kung saan may 240,603 ang dumating nito lamang Enero, mas ma­taas sa 227,345 ng nasa­bing buwan ng 2007. 

Ang nasabing bilang ay yaong mga dumaan la­ mang sa NAIA at hindi pa kasama ang mga dumating sa Mactan, Subic, Davao, Clark at Laoag airports. 

Sinabi ni Libanan na pa­tunay lamang na pabo­rito ngayong pasyalan o puntahan ng mga turista ang Pilipinas sa mga bansa sa Asya. Malaking bagay aniya ang pagdagsa ng mga tourist sa bansa sa ekono­miya dahil marami sa mga ito ang naglalagak rin ng negosyo sa Pilipinas. (Ellen Fernando)

Show comments