^

Bansa

Cayetano ‘malamya’ sa Southrail probe

-

Binatikos ni Senadora Jamby Madrigal ang pagiging ‘malamya’ ni Sen. Alan Peter Cayetano para umpisahan na ang Senate investigation hinggil naman sa umano’y overpricing sa Southrail project.

Katwiran ni Sen. Cayetano, iisang testigo pa lamang ang hawak nila at nakatutok pa sila ngayon sa masinsinang imbestigasyon hinggil pa rin sa ZTE-NBN controversy.

Pero ayon kay Sen. Madrigal, hindi katwiran ang isang testigo lamang para mabalatan nang husto ang nilalaman ng mga anomalya sa kasalukuyang pamahalaan.

“It is not number of witness that makes a Senate investigation credible, it is the quality of witnesses’ testimony,” sabi sa isang text message ni Madrigal.

Nais ng mga senador na mahubaran nang husto kung sino si “Anthony Huang” at kung bakit masyadong malakas ito sa kasalukuyang administrasyon.

Kung matatandaan, ibinunyag ni Jun Lozada na may malaking anomalya rin ang naganap sa Southrail project dahil isa umanong Anthony Huang ang nag-ala Chairman Benjamin Abalos dito dahil sa pag-overprice umano ng $70 million.

Sa testamento ni Lozada, aabot sa 22 porsiyento mula sa total cost na tinatayang $300 million ang kinukulimbat umano ng grupo ni Huang, walang iniwan sa sinasabing $130 million naman ng ‘bukol’ ng grupo ni Abalos.

ABALOS

ALAN PETER CAYETANO

ANTHONY HUANG

CHAIRMAN BENJAMIN ABALOS

JUN LOZADA

SENADORA JAMBY MADRIGAL

SOUTHRAIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with