Pagkumpiska ng $4M nickel ore inutos ni Atienza
Ipinag-utos ni DENR Secretary Lito Atienza ang pagkumpiska sa may 200,000 tonelada ng nickel ore sa Zambales matapos mabigong makapagpakita ng kaukulang dokumento ang A3UNA Corp.
Ininspeksiyon ni Atienza ang naturang mga nickel ore sa mismong pier ng nasabing kumpanya sa Brgy. Bolitok, Zambales, kasama si Sta. Cruz Mayor Luisito Marty at si Zambales Cong. Tony Diaz.
Sinabi ni Atienza na malaki ang posibilidad na nagkaroon ng “over extraction” ang A3 UNA dahil sobra-sobra ang nakatam bak na nickel ore sa kanyang nasasakupang lugar samantalang isang small-scale mining permit lamang ang hawak nitong permiso.
“Base sa smal-scale mining law, hindi dapat lumagpas sa 50,000 tonelada kada taon ang dapat na minahin nito, ngunit umaabot sa 200,000 tonelada ang nakaimbak sa kanyang compound,” ani Atienza.
- Latest
- Trending
















