‘Lie test’ kay Madriaga

Upang matiyak na hindi nagsisinungaling matapos na pagdudahan ang kanyang kredibilidad, isang working committe ng Senado ang nagsa­gawa ng pagtatanong kay Dante Madriaga, ang ba­gong testigo sa imbesti­gasyon sa anomalya sa national broadband network project.

Isinagawa ng Sena­ do ang hakbang upang ma­alis na ang pa­ngam­ba ng mga ito na baka matulad lamang si Ma­driaga sa mga testigong gaya ni Ador Mawanay na mata­pos na mag­siwalat ng kanyang na­lalaman ay bumaligtad din sa huli.

Sa ginawang pagtata­nong, sinabi ni Madriaga na hindi siya “pakawala” ng ilang grupo o mula sa gobyerno upang sirain lamang ang isinasaga­wang imbestigasyon ng Senado. 

Iginiit ni Madriaga na kusa siyang lumutang upang linisin ang kanyang pangalan dahil sa napa­balitang nanghihingi siya ng P5 milyon hanggang P10 milyon sa isang se­nador kapalit lamang ng kanyang pag-testigo sa Senado. 

Tinukoy pa ni Madria­ga ang mga pangalan nina dating Sec. Michael Defensor at Energy Sec. Angelo Reyes na may nalalaman umano sa na­sabing deal matapos ma­kasama sa ilang pagpu­long noong 2006 hinggil sa ZTE/NBN deal. Si Re­yes umano ay naging contact person ng Arescom, isang kumpanya na na­ging kalaban sa bidding ng ZTE Corporation at Armsterdam Holdings ni Joey de Venecia para sa NBN project. 

Muling idiniin ni Ma­driaga na paninindigan niya ang kanyang mga sinabi sa Senate Blue Ribbon Committee hearing nitong Martes lalo na ang pagsisiwalat na umabot sa $41 milyon ang naipalabas ng ZTE para sa kickback kung saan kalahati umano dito ay napunta sa First Couple at pinagparte-partehan pa ng ilang opisyal. (Ellen Fernando)

Show comments