^

Bansa

PNP, AFP balik na sa normal alert

-

Matapos ang mapaya­pang interfaith rally ng anti-government groups, balik na sa normal ang alerto ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Metro Manila.

Sinabi ni PNP Chief Director General Avelino Razon Jr., alas-10 ng gabi nitong Biyernes ay ibinaba na nila sa normal ang alerto ng kapulisan.

“The sacrifices of our policemen paid off, especially the 5,000 ‘Mamang Pulis’ and ‘Aleng Pulis” deployed to assist and secure the rally participants in Makati City,” sabi ni Razon. 

Sa panig naman ng AFP, sinabi ni AFP-PIO Chief Lt. Col. Bartolome Bacarro na epektibo alas-12 ng tanghali nitong Sa­bado matapos na humupa ang tensiyon sa Metro Manila ay balik na rin sa normal ang kanilang alert status.

Gayunman, nagbabala si PNP Spokesman Sr. Supt Nicanor Bartolome na patuloy pa rin ang pagpa­patupad ng gun ban sa buong bansa na magtata­pos bukas.

Isinailalim sa red alert ng PNP at AFP-National Ca­pital Region (AFP-NCRCOM) ang kanilang puwersa dahil na rin sa banta sa seguridad kaug­nay ng kilos-protesta ng mga anti-GMA sa Makati City. 

Kaugnay nito, pinasala­matan naman ng mga opisyal ang mga lumahok sa kilos protesta dahilan natapos ng mapayapa ang isinasagawa ng mga itong demonstrasyon. 

Ang kilos-protesta ay dinaluhan ng mga opposition personalities gaya nina dating Pangulong Estrada at Corazon Aquino, ZTE witness Jun Lozada at ma­rami pa.

Bagaman ang panawa­gan ng Simbahan ay para sa katotohanan at hustisya sa likod ng ZTE-NBN deal controversy, sumentro naman ang kilos-protesta sa panawagang pagbibitiw ni Pangulong Arroyo. (Joy Cantos)

ALENG PULIS

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BARTOLOME BACARRO

CHIEF DIRECTOR GENERAL AVELINO RAZON JR.

METRO MANILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with