^

Bansa

Civil society nagparamdam ulit

-

Nagpaparamdam na naman ang ilang Civil Society Group sa kasag­sagan ng mga panawa­gang bu­maba na sa pwesto si Pangulong Arroyo.

Sa ginanap na press conference kahapon sa Quezon City na pinangu­nahan ng Filipino Democratic Nationalist Reform Movement, sinabi ni Linda Montayre, convenor ng naturang grupo, na nasa punto sila ngayon ng konsultasyon at pagbuo ng isang transition council bilang paghahanda umano sa posibilidad na bumaba o matanggal sa pwesto si Pangulong Arroyo.

Ayon kay Montayre, pitong miyembro ang bu­buo sa transition council, apat na mga sibilyan at tatlo mula sa hanay ng militar.

Tumanggi naman ni­tong banggitin kung sinu-sino ang posibleng ma­upo sa pitong pwestong ito subalit ang natitiyak umano niya ay si Pam­panga Gov. Fr. Ed Panlilio ang magi­ging boto ng konseho bilang siyang mamumuno sa transition government.

Mahalaga aniya na ang pansamantalang ha­hawak sa gobyerno ay isang taong walang kina­sa­sangkutang katiwalian, korapsyon o anomalya .

Nilinaw naman ni Mon­tayre na sakaling bumaba o mapatalsik sa pwesto si Arroyo, pan­samantala lamang ang pag-upo ni Fr. Panlilio, hangga’t hindi pa suma­sapit ang takdang pana­hon ng eleksyon sa 2010. (Angie dela Cruz)

ANGIE

AYON

CIVIL SOCIETY GROUP

ED PANLILIO

FILIPINO DEMOCRATIC NATIONALIST REFORM MOVEMENT

LINDA MONTAYRE

PANGULONG ARROYO

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with