^

Bansa

FG sumibat pa-HK

-

Sumibat kahapon pa­tungong Hong Kong si First Gentleman Mike Arroyo upang makaiwas umano sa mga nagpa­planong itumba ito.

Umalis ang Unang Ginoo bandang 7:30 ng umaga sakay ng PAL flight PR-300 sa NAIA Centennial Terminal 2 at inihatid nina MIAA General Manager Alfonso Cusi, MIAA Asst. General Manager for Security and Emergency Services (ret.) Gen. Angel Atutubo at MIAA Asst. general manager for operations Engr. Octavio Lina.

Sinabi ni Cusi na sina­ma­han nila hang­gang departure area ang First Gent bilang pagbibigay galang sa asawa ng Pangu­lo.

Nabatid kay Cusi na nakatakda ring bumalik si FG sa darating na Linggo upang humarap sa Ombudsman sa Martes.

Ang Unang Ginoo ay umupo sa First Class seat 1-C, isang upuan ang pa­gitan nila ng aktres na si Ruffa Mae Quinto na naka-upo naman sa seat 1-A.

Sa naging panayam ng mga mamama­ha­yag, ma­riing itinanggi ni Cusi ang kumakalat na balita sa paliparan na isinama ni FG ang na­sabing aktres sa Hong Kong upang magba­kasyon. Anya, ang pag­ka­ kasabay ng dalawa at ma­lapit na upuan sa isat-isa ay aksidente lamang.

Bukod dito, may ku­malat na mga text messages na bago umalis si FG ay ito’y dudukutin uma­no ng ilang disma­yadong miyem­bro ng Presidential Security Group (PSG).

Diumano, ang gaga­wing pagdukot kay FG ay magiging hudyat na bumi­bitaw na ng suporta ang military sa Pangulo.

Gayunman, pinabu­la­anan ni AFP chife Hermo­genes Esperon ang kuma­kalat na text messages at sinabing bahagi lamang ang la­hat ng kampanyang wa­sakin ang Unang Pa­milya. Unang inihayag ni Es­peron na buo ang su­porta ng military sa Pangulo ng bansa. (Ellen Fernando)

ANG UNANG GINOO

ANGEL ATUTUBO

CENTENNIAL TERMINAL

CUSI

ELLEN FERNANDO

HONG KONG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with