^

Bansa

Survey ng AIM sa pag-aplay ng negosyo sa QC inalmahan

-

Hiniling kahapon ng local na pamahalaan ng Quezon City sa Asian Institute of Management (AIM) na magsagawa ng tunay at hindi moro-morong “survey” sa tunay na bilis ng apli­ kasyon para sa negosyo sa lung­sod na tatagal lamang umano ng ilang oras.

Sinabi ng tresurero ni Quezon City Mayor Sonny Belmonte na si Dr. Victor Endriga na walang kato­tohanan ang inalabas na resulta ng survey ng AIM na aabot umano sa 10 araw ang pagproseso ng aplikas­yon ng negosyo sa pama­ha­laang lungsod.

Sa inilabas na survey, sinabi ng AIM na base umano sa kanilang mga “respondents”, tig-iisang araw ang itatagal sa pagkuha ng sedula, ba­rangay clearance, application form, pagpa-no­taryo, assessment at pag­babayad ha­bang tatagal naman ng apat na araw ang pagkuha ng “Mayor’s Permit”.

Iginiit ni Endriga na malayo sa katotohanan ang survey dahil sa maaari lamang makuha ang lahat ng proseso sa loob lamang ng ilang oras. 

Pawang mga espe­ku­lasyon o hula lamang umano ang ginawa ng AIM na pinangangam­bahang makasira sa imahe ng siyudad bilang “ Most Business-Friendly City” sa buong bansa na iginawad ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI). 

Umaasa ang opisyal na tutugon ang AIM sa kahili­ngan nilang magsa­gawa ng tunay na pag-aaral na aktu­wal kaugnay sa proseso ng lungsod sa pagkuha ng business permit ng mga negosyante taliwas sa tak­tika nilang ginamit na uma­no’y mala- Recto University Survey. (Butch Quejada)

ASIAN INSTITUTE OF MANAGEMENT

BUTCH QUEJADA

DR. VICTOR ENDRIGA

PHILIPPINE CHAMBER OF COMMERCE AND INDUSTRY

QUEZON CITY

QUEZON CITY MAYOR SONNY BELMONTE

RECTO UNIVERSITY SURVEY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with