Yaman ni Lozada bubungkalin
Maging ang yaman ni Rodolfo Lozada Jr ay sisiyasatin ng Department of Justice.
Ayon kay Justice Secretary Raul Gonzalez, sa pagkakaalam umano niya ay hindi nakakatanggap ng sweldo si Lozada noong ito pa ang Pangulo ng Philippine Forest Corporation dahil sa hindi umano ito plantilla official.
Hindi rin umano maikukunsidera si Lozada na isang public official base na rin sa natanggap na impormasyon ng Kalihim mula sa Department of Environment and Natural Resources dahil isa lamang itong consultant.
Dahil dito, kinuwestiyon ni Gonzalez ang paglalaro ni Lozada sa Wack-wack country club at ang pagpapaaral nito sa kanyang mga anak sa isang exclusive schools.
Samantala, isinoli ni Lozada kahapon ang P500,000 na ibinigay naman umano para sa kanya ni Deputy Executive Secretary Manuel Gaite.
Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, inamin ni Lozada na tinanggap ng kanyang kapatid mula kay Gaite ang nasabing salapi habang siya ay nasa
- Latest
- Trending